Why I hate Cashalo and why you should now borrow from them.

This is based on my experience with Cashalo. I used to praised them for having lower interest and long term option for payment. But the only thing that i hated them ay ang posting ng payment nila. Napakabagal ng posting at hindi pa real time. Gaya na lang this month. Due date ng loan ko is every 17th of the month. Been getting sms notification to pay my loan maski 1 week pa ang due date ng loan ko. Sa bwesit ko binayaran ko na lahat ng utang ko. Binayaran ko ang loan via GCash, October 13, 2018 at October 14, 2018 ang date ng payment kasi ayaw tanggapin ng system nila ang 2nd payment ko nung October 13 stating na double payment daw. So nagwait pa ako ng sumunod na araw para mabayaran ang natitirang loan ko.




I receive an email the following day telling me na natanggap na daw nila ang payment ko. Sobrang tagal ng posting nila. Hindi real time. Screenshot below.


Akala ko ay maayos na ang payment ko. Na wala nang manggugulo at mang iisturbo sa akin. Pero just today at 6:58pm may natanggap akong text message. Disregard daw if I already made a payment. Binigay pa ang email nila to contact daw if may problem sa payment. Like What the F***? 10:30am just today nung nagconfirm sila na natanggap na ang payment ko tapos at 6:58pm merong ganito? Ano to kagagohan lang? Tapos email daw? Paano pa ako ganahan mag email eh sila nga hindi sync sa mga info nila hihikayatin ka pa mag email. Eh nag email na nga ako na nakaoagbayad na ako sa kanila. With attached receipt pa yon.


Bakit ako nabwesit? at makakapagmura ka talaga.  Ito Yung time na tipong nasa kasarapan ako ng tulog ko dahil 1am  ang shift ko sa work and i supposed to wake up at 11pm. Pero dahil sa text message nila nagising ako. Dahil nakalimutan ko magsilent ng phone nagising lang naman ako sa message nila dahil nasa tapat lang ng taenga ko ang phone. Normally naman mga friends and family ko ay sa fb messenger nagmemessage at nakasilent ang fb messenger ko kaya alam ko na hindi ako maiisturbo sa pagtulog ko. At wala rin naman magtyaga magsend sa akin ng text messages mula ng nauso ang fb messenger.

So ayon na nga nagising na ako. Nakatulog ako ng 4pm sabay nagising ng 6:58pm so ngayon sobrang sakit ng ulo ko dahil nahilaw ang tulog ko. At ngayon nahirapan na ako bumalik ng tulog so hanggang 11pm na ako gising nito. Dahil medyo asar pa nagreply ako sa message to inform them na sana nagcheck man lang sila ng email bago magmessage na naisturbo ang tulog ko at dapat during office hour sila magtext sa mga borrower nila at shempre napamura na rin dahil sa bwesit ko. Aba eh pinatulan ba naman ako imbes na magsorry at naka isturbo sila. Na kesyo wala daw sila paki kung mawala ako as borrower nila maski isama ko pa daw ang family ko. Yung tipong hindi daw ako kawalan sa kanila. Huh!??? Ang bastos ng sagot di ba?

Napakabastos ng mga collectors nila sa totoo lang. Wala silang office hours para tumawag at magmessage sa borrowers nila. Makamessage lang. Maski madaling araw pa yan. Maski sa umaga at naka off ako 5am naranasan ko makareceive ng message sa kanila. Maski phone calls na aakalain mong emergency sasadyain nila para masagot mo lang ang phone mo. Ang masama pa eh yung nakapagbayad ka na tapos may ganyan pa. Kaganda ng mood mo sisirain lang di ba?

Buti sana kung ilang buwan ko sila hindi binayaran para manggulo ng ganon eh. Good payer binabastos nila? What if na lang kung nalate ka ng payment. Maski siguro isang araw lang baka sumabog ang phone mo sa mga messages nila at mga calls. Kaso hindi sila sync sa email nila. Tapos sasabihin pa na if i have additional concern send message to email. Email daw? Eh mukhang sila tong hindi updated sa mga email nila eh.

Bulok ang system nila. Bulok din ang service. Maganda lang pagnagpautang kasi shempre kikita sila. Pero baboyan na pagsingilan maski hindi pa due date.

If you want to avail for a loan guys just try Akulaku at iba pang online lenders. Google nyo lang or search nyo sa fb online lenders or cashlenders at marami na kayo pagpilian. Sa akulaku Mababa din ang interest nila. Wala kang maeexperience na manggugulo sayo unless na lang siguro kung late payer ka pero never pa naman ako nalate. Ang message lang na narereceive ko sa kanila ay ang thank you message for the payment. Pero sa Cashalo hindi marunong mag thank you ang mga yan. Kaya lang nagreply sa akin through email to confirm my payment dahil nag email ako sa kanila ng screenshot ko sa mga payment ko para sana tumigil na ang text messages sa akin. Pero walang kusa magpasalamat. Utang mo nga naman yon so bakit nga naman sila magpapasalamat.

Sa akulaku Mabilis din ang posting nila as in seconds lang updated na agad ang system nila. Pwede ka rin agad magreloan in less than 5 minutes at nasa bank account mo na agad ang pera. Ang cons nga lang sa kanila ay ang terms of payment dahil hanggang 7 days at 15 days lang. Pero ang interest ay napakababa rin. Pwede na rin if mababayaran naman din pagkasahod. Sakto lang naman ang 15 days para sa isang cutoff na sweldo. Hindi lang pera ang pwede mo utangin sa akulaku kundi pati na rin gadgets, appliances at iba pang products. If you want to know more details about akulaku you can check my other post for my akulaku post.

Try nyo rin ang Tala guys. Governmentñ Id lang ang kailangan. Wala ng tatawag sa'yo, wala ng documents na hihingiin. Mababa din ang interest at 1 month ang terms of payment nila. Meron din weekly payment. Pwede ka pumili. If failed kayo sa unang application, try lang ng try. Naapproved ako sa Tala after ng 4th try ko. Nagstart ako ng 1k sa kanila. After 3 loan ko sa kanila and being a good payer nasa 5k na ang pwede ko maloan. Tumataas ng tumataas basta matino ka lang magbayad. If magsend man sila ng message isang beses lang yan bago ang due date mo. Reminder lang na maglogin to check your due date for payment may nakalagay Pang "This is a friendly reminder"..

Pero sa Cashalo NGANGA ka na lang. Asa ka pa kung may friendly reminder na kasama sa text messages nila. Bungad agad sayo. "Your loan is due today with the amount.... Pay immediately to avoid late payment and avoid endorsing to collection"... Panakot agad?  Pero pagtingin mo sa kalendaryo ang due date pala sa susunod na linggo pa. Nakakagago di ba? Yung tipong Maski Santo ka pa mapapamura ka.


Comments

  1. Start making money from online with just your mobile phone you can make up to $1000 daily, TRUST FUND COMPANY is giving free lesson on how to earn money every 24 hours, am a witness,

    TRUSTFUNDTRADING625@GMAIL.COM
    Whatsapp:+2349046229159

    ReplyDelete
  2. APPLY FOR LOAN NOW @ 2% RATE: Stress-Free loan offer Needed Contact us today I am a private lender who gives out loan to private and corporate individuals Have you been turned down by so many banks? Do you need finance to establish your business? Do you need finance for the expansion of your business? Or do you need a personal loan? My loan ranges from personal to business loan. My interest rate is very affordable and our loan process is very fast as well. I am very willing to make all your financial troubles a thing of the past. If you are really ready to get. your financial problems solved, Then search no further and apply for a loan today. If you are interested fill the DATA FORM so that I can give you my terms and conditions. Email: mortgageloancompany@myyahoo.com and WhatsApp: +447507970420 https://mrsmariaelisabeths.wixsite.com/elisabethloanworld


    A) Home loan applies now.
    b) Personal Loan, Business Expansion,
    c) Business Start-up, Education,
    d) Debt Consolidation,
    e) Hard Money Loans

    Your Name:...
    Country:.....
    Age...........
    Phone Number:......
    Loan Amount Needed:.......
    Loan Duration.......

    Thanks
    Kind Regards
    Mrs. Maria
    Financial Loan Company
    Managing Director ... / MD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ganito po kabastos ang Cashalo sa mga Good payer borrower nila.

Akulaku - How to loan for cash, gadget, appliances and other stuff