The new Cashalo loan - after the upgrade
Re: Updated
I've been getting loan from Cashalo for 4 times now and so far wala ako masabi sa lender na to aside sa posting ng repayment nila. Yung tipong if magbabayad ka sa araw ng mismong due date mo, wag ka mag expect na mapopost sa aystem nila ang payment mo within the day. Minsan aabutin pa ng 2 days bago magpost. Hindi siya real time.
Ang isa pa sa nakakaasar sa kanila maski isa o dalawang linggo pa bago ang due date mo ang dami na agad text messages sa kanila asking you to pay the loan. Halimbawa na lang na dapat due date ng loan ko ay sa Sept 17, 2018 tapos pagpasok pa lang ng September halos everyday may natatanggap na agad ako sms mula sa kanila to pay for my loan. Ok lang sana magtext if lumagpas na sa due date ang loan ko pero 2 weeks or 1 week before the due ang dami na agad text messages.
Gaya na lang nitong nasa picture.
Ang masasabi ko na lang na pros sa lender na ito ay ang mababang interest at kung magkano ang loan mo yon din ang makukuha mo unlike sa iba na babawasan pa ng processing fee. Ang processing fee kasi nila ay kasama na sa interest upon payment of your loan.
Wait nyo na lang ang call nila to verify and confirm your submitted information. May tatawag uli sayo para sabihin na approve ang loan mo bukod sa sms notification. Sa sms notification ang sabi check ko daw ang email at may matatanggap daw ako na info about my approved loan pero wala naman ako natanggap.
Malalaman mo na lang din na nadeposit na sa bank account mo ang pera if ganito ang nakikita mo sa account mo. See picture below.
Gaya ng lagi ko sinasabi. Ugaliin lang po natin na mangutang ng pera na kaya nating bayaran. Wag po tayo masyadong gahaman para hindi po masira ang credit ratings natin.
Nagsasubmit po sila ng report sa credit bureau kaya kahit wala na kayo balak magloan sa kanila dahil may iba na naman kayong napagtripan. Isip isip muna. Lahat po ng lending agency ay may access sa credit bureau kaya wag ka magtaka kung bakit ka nadecline sa iba. Pero kung nadecline ka at maganda ang record mo. Pwede rin naman na kya ka nadecline dahi kulang ang requirements mo. Pwede rin na wala ka pang record sa credit bureau kaya kadalasan tinitingnan nila ang payslip mo kung kaya mo nga bayaran ang loan mo base don sa amount na inutang mo. Pagmababa lang ang sinasahod mo tapos uutang ka ng malaki magiging questionable sa kanila yon kung paano mo mabayaran ang utang mo kaya pwede ka madeny sa application mo.
Note: Hindi po ako affiliated sa Cashalo. Isa lang din po akong mangungutang kaya kung may katanungan kayo kung bakit kayo nadecline ay hindi ko po masasagot. Check nyo na rin po ang site nila para sa iba pang katanungan. Ang mga napost ko dito ay mga lending agency na proven and tested ko na. Kaya alam ko kung alin sa kanila ang maganda at alin sa kanila ang ipapahamak ka.
hindi po ako makapag loan sa account ko po thanks
ReplyDeletehindi po ako makapag loan sa account ko po thanks
ReplyDeleteStart making money from online with just your mobile phone you can make up to $1000 daily, TRUST FUND COMPANY is giving free lesson on how to earn money every 24 hours, am a witness,
ReplyDeleteTRUSTFUNDTRADING625@GMAIL.COM
Whatsapp:+2349046229159